|
||||||||
|
||
Kasama ng 13 organo ng UN, iniharap ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang "Climate Resilience Initiative--Anticipate, Absorb, Reshape." Ito ay naglalayong tumulong sa mga small island developing countries at least developed countries sa paglaban sa pagbabago ng klima, sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga tulong na pondo at teknolohiya.
Ipinatalastas naman ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa susunod na taon, isasagawa ng kanyang bansa, kasama ng mga iba pang umuunlad na bansa, ang 100 proyektong pangkooperasyon ng paglaban sa pagbabago ng klima. Nanawagan din siya sa mga maunlad na bansa na tupdin ang pangako na bago 2020, ipagkakaloob bawat taon ang 100 bilyong Dolyares na pondo para sa paglaban sa pagbabago ng klima.
Tinukoy naman ni Punong Ministro Narendra Modi ng Indya, na dapat itakda ng mga maunlad na bansa ang mga "forward-looking target" at buong tapat na tupdin ang mga ito. Dahil aniya, mas malaki ang espasyo ng mga maunlad na bansa para sa pagbabawas ng emisyon, samantala dapat magkaroon ng sapat na espasyo ang mga umuunlad na bansa para sa pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Pangulong Barack Obama ng Amerika, na bilang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, napagtanto ng Amerika ang epekto nito sa pagbabago ng klima, at dapat sagutin ang pananagutan.
Isinalaysay naman ni Jean-Claude Juncker, Pangulo ng European Commission, na gumagawa ngayon ng pagsisikap ang maraming lunsod at bahay-kalakal sa Europa, para sa pagpapataas ng episiyensiya ng paggamit ng enerhiya at pagdedebelop ng mga renewable energy.
Samantala, itinatag naman ng mahigit sa 20 business leaders ng daigdig na kinabibilangan nina Microsoft co-founder Bill Gates, Facebook founder Mark Zuckerberg, Alibaba Group Chairman Ma Yun, at iba pa, ang "Breakthrough Energy Coalition," para mamuhunan sa teknolohiya ng malinis na enerhiya.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |