Dumalo at nagtalumpati noong Lunes sa Paris, Pransya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng United Nations Conference on Climate Change.
Tinukoy ni Xi na ang Paris Conference ay naglalayong palakasin ang pagsasagawa ng United Nations Framework Convention on Climate Change, at marating ang isang komprehensibo, balanse, ambisyoso, at may-legal binding na kasunduan hinggil sa pagbabago ng klima. Aniya, ang kasunduang ito ay dapat magpalakas ng mga aksyon laban sa pagbabago ng klima pagkaraan ng taong 2020, at magbigay ng lakas sa mas mabuting pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad sa buong daigdig.
Dagdag pa niya, aktibong lumalahok ang Tsina sa pandaigdig na usapin ng pagharap sa pagbabago ng klima. Aniya, may kompiyansa at determinasyon ang Tsina na tupdin ang mga pangako hinggil sa pagbabawas ng emisyon na ginawa sa dokumentong "Intended Nationally Determined Contributions." Buong taimtim din aniyang pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon sa pagitan ng mga umuunlad na bansa sa aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima, na gaya ng pagtatatag ng South-South Climate Cooperation Fund.
Bilang panapos, binigyang-diin din ni Xi na ang pagharap sa pagbabago ng klima ay komong usapin ng sangkatauhan. Dapat aniyang ipakita ng iba't ibang panig ang katapatan, patatagin ang kompiyansa, at gawin ang magkakasamang pagsisikap, para itatag ang pantay-pantay at mabisang pandaigdig na sistema ng pagharap sa pagbabago ng klima, isakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng buong daigdig sa mas mataas na antas, at buuin ang pandaigdig na relasyong may pagtutulungan at win-win result.
Salin: Liu Kai