Isang pahayag ang ipinalabas noong Miyerkules, Disyembre 2, 2015 ng G77 at China, grupong binubuo ng 134 na umuunlad na bansa sa sa United Nations Climate Change Conference sa Paris, Pransya. Hiniling nito sa mga maunlad na bansa na agarang tupdin ang pangako sa pagkakaloob ng pondo sa mga umuunlad na bansa, para tulungan sila sa paglaban sa pagbabago ng klima.
Anang pahayag, batay sa United Nations Framework Convention on Climate Change, isang "legal obligation" ng mga maunlad na bansa ang pagkakaloob ng pondo sa mga umuunlad na bansa. Ito anito ay hindi "tulong" o "kawanggawa," kundi "responsibildad na pangkasaysayan," dahil nagdulot na ng epekto sa klima ang greenhouse gas mula sa mga maunlad na bansa. Dapat ilakip sa kasunduan ng Paris Conference ang mga nilalaman, para bigyang-diin ang isyung ito, dagdag ng pahayag.
Ayon pa rin dito, dahil kulang sa pondo, walang kakayahan ang maraming umuunlad na bansa para bawasan ang emisyon ng greenhouse gas, at sa gayon, hindi maisasakatuparan ang anumang target na itinakda ng climate convention. Dagdag pa nito, bagama't walang pondo, isinasagawa pa rin ng mga umuunlad na bansa ang mga hakbangin ng pangangasiwa sa klima, at nagbigay ito ng malaking ambag sa pandaigdig na usapin ng paglaban sa pagbabago ng klima. Ito anito ay dapat kilalanin sa kasunduan ng Paris Conference.
Salin: Liu Kai