|
||||||||
|
||
Sina Thein Sein at Aung San Suu Kyi habang nagtatagpo sa Presidential Palace, Nay Pyi Taw, Myanmar, Dec. 2, 2015. (Xinhua/Myanmar News Agency)
Ayon kay Presidential Spokesperson Ye Htut, ginawa ang nasabing pag-uusap para matugunan ang concern ng mga mamamayang Myanmar hinggil sa transisyon ng pamahalaan pagkaraan ng pambansang halalan.
Nang araw ring iyon, nag-usap din sina Suu Kyi at Senior-General Min Aung Hlaing, Commander-in-Chief ng Defense Services ng Myanmar.
Nauna sa nasabing dalawang diyalogo, nag-usap sina Suu Kyi at Shwe Mann, Ispiker ng Union Parliament (Mataas na Kapulungan) at House of Representatives (Mababang Kapulungan) noong ika-19 ng Nobyembre. Sinang-ayunan nilang ipauna ang pambansang rekonsilyasyon at konsolidasyon sa pagbubuo ng bagong parliamento.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido:Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |