Sa Vientiane, Laos-Nilagdaan dito kamakalawa ang kasunduang pangkooperasyon sa pagitan ng China Radio International(CRI) at Khaosan Pathet Lao(KPL), Pambansang news agency ng Laos. Bilang kani-kanilang kinatawan mula sa dalawang media, dumalo sa seremonya ng paglalagda sina Tian Yuhong, Pangalawang Presidente ng CRI at Sounthone Khantavong, Puno ng KPL.
Ayon sa kasunduan, mapapahigpit ng dalawang panig ang pagtutulungan sa pagpapalitan ng balita, panayam, pagsasanay ng manggagawa, pag-aaral sa pag-unlad ng bagong media, at iba pa.