Bilang isang proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Laos, sinimulan kahapon ang pagpapatakbo ng electric power network sa gawing hilaga ng Laos. Dumalo sa inagurasyon ng nasabing proyekto ang mga may-kinalamang kinatawan mula sa dalawang panig.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon, sinabi ni Khammany Inthilath, Ministro ng Enerhiya at pagmimina ng Laos na nagsimula ang konstruksyon ng nasabing proyekto mula noong 2014. Aniya, bilang isang masusing estratehikong proyektong pang-enerhiya, sasaklaw ito sa apat na lalawigan ng Laos.