Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nagtatalumpati sa high-level dialogue ng mga lider at business dignitaries ng Tsina at Aprika
Dumalo kahapon sa Johannesburg, South Africa, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa high-level dialogue ng mga lider at business dignitaries ng Tsina at Aprika. Iniharap niya ang 5 mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Aprikano.
Ang naturang mga mungkahi ay: una, igiit ang pantay-pantay na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win result; ikalawa, igiit ang bukas at inklusibong kooperasyong multilateral, at tanggapin ang paglahok ng ibang panig sa kooperasyong Sino-Aprikano; ikatlo, igiit ang pragmatikong kooperasyong naglalayong palakasin ang kakayahan sa teknolohiya at yamang-tao; ikaapat, igiit ang sustenableng pag-unlad, at isagawa ang kooperasyon sa paglaban sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa ekolohiya; at ikalima, ipauna ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura, para magdulot ng benepisyo sa mga mamamayang Aprikano.
Tinukoy din ni Xi na ang industrialisasyon ay kasalukuyang mahalagang usapin sa mga bansang Aprikano. Nakahanda aniya ang Tsina na magbigay-tulong sa usaping ito sa mga aspekto ng pondo, teknolohiya, at yamang-tao.
Salin: Liu Kai