Ipinahayag kahapon sa Johannesburg, South Africa, ni Nkosazana Dlamini-Zuma, Tagapangulo ng Komisyon ng African Union (AU), na ang pagtatatag ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Aprika ay magdudulot ng malaking pagkakataon sa pagbabawas ng kahirapan ng Aprika.
Tinukoy ni Zuma na ang plano sa 10 kooperasyon na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Summit ng Forum on China-Africa Cooperation ay sumasaklaw sa iba't ibang larangan, at ito ay magiging roadmap para sa komprehensibong pagpapabuti ng kahirapan sa mga bansang Aprikano.
Salin: Liu Kai