|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Johannesburg, Timog Aprika, ang Sesyong Plenaryo ng Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Magkasamang pinanguluhan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Jacob Zuma ng bansang ito, ang nasabing pulong.
Ipinahayag ni Xi na patuloy na igigiit ng Tsina ang mapagkaibigang patakaran sa Aprika, palalawakin, kasama ng mga bansang Aprikano, ang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan at palalalimin ang pagtitiwalaan at pagkakaibigan ng dalawang panig.
Ipinahayag ni Zuma na lubos na pinahahalagahan ng mga bansang Aprikano ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Aprika, at ang mga narating na komong palagay sa pulong na ito ay magpapasulong ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Bukod dito, pinasalamatan niya ang malaking pagkatig ng Tsina sa FOCAC Summit.
Dumalo sa summit na ito ang 42 lider ng mga bansa at pamahalaang sentral ng Aprika. Pinagtibay sa summit ang deklarasyon ng FOCAC Summit sa Johannesburg at plano ng mga aksyon ng FOCAC mula taong 2016 hanggang taong 2018.
Nagbigay ang mga kalahok na lider ng mga bansang Aprikano ng mataas na pagtasa sa mga deklarasyon at plano ng summit. Umaasa silang pabibilisin ang pagsasakatuparan ng mga narating na komong palagay para komprehensibong pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at Aprika, pagsasa-industriya at pagmomodernisa ng agrikultura sa Aprika.
Nakahanda rin silang aktibong lumahok sa konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road" initiative.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |