Mula ika-3 hanggang ika-5 ng buwang ito, dumalaw sa Myanmar si Liu Zhenmin, Espesyal na Sugo ng Pamahalaang Tsino at Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sa kanyang pananatili sa Myanmar, magkakahiwalay na nakipagtagpo si Liu kina Thein Sein, Pangulo ng bansang ito, Aung San Su Kyi, Tagapangulo ng National League for Democracy (NLD), Thura Shwe Mann, Ispiker ng Assembly of the Union, at Min Aung Hlaing, Commander-in-Chief ng Armed Forces.
Kaugnay ng pambansang halalan ng Myanmar, bumati si Liu sa tagumpay ng NLD sa halalan. Sinabi niyang palagiang iginagalang at kinakatigan ng Tsina ang nagsasariling pagpili ng mga mamamayan ng Myanmar sa landas ng pag-unlad.
Binigyang-diin ni Liu na nakahanda ang Tsina na patuloy na palalimin, kasama ng Myanmar, ang mga pagpapalitan sa iba't ibang larangan at palawakin ang mga kooperasyon sa kultura, kabuhayan at kalakalan.
Pawang winelkam nina Thein Sein, Aung San Su Kyi, Thura Shwe Mann, at Min Aung Hlaing, ang pagdalaw ni Liu. Ipinahayag nila na patuloy na magsikap, kamasa ng panig Tsino, para patatagin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at palalimin ang mga aktuwal na kooperasyon.