|
||||||||
|
||
Inilunsad nitong nagdaang Biyernes, Disyembre 4, 2015, sa Yunnan Province sa timog-kanluran ng Tsina ang unang pahayagan sa wikang Myanmar. Layon nitong paglingkuran ang mga mamamayang Myanmar na nagtatrabaho sa Tsina.
Ang lingguhang pahayagang tinatawag na Paukphaw ay inilathala ng Tuanjie Newspaper ng Dehong Dai and Jingpo Autonomous Prefecture, lugar na kahangga ng Myanmar.
Ang Paukphaw ay siyang termino na ginagamit ng mga mamamayang Tsino at Myanmar para ilarawan ang kanilang katangi-tanging pagkakaibigan.
Sa kasalukuyan, mahigit 50,000 mamamayang Myanmar ang nagtatrabaho sa Dehong.
Unang edisyon ng diyaryong Paukphaw (Photo credit: xw.kunming.cn)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |