Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pranses, matagal na makakalimot sa lagim ng terorismo

(GMT+08:00) 2015-12-07 17:58:22       CRI

MATAPOS ang tatlong linggo ng sumalakay ang mga terorista sa iba't ibang pook sa Paris, tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga mamamayan, bata at matanda at maging mga turista, sa bantayog ng La Republique at sa Bataclan.

Magugunitang sinalakay ng mga terorista ang ilang pook sa Paris noong ika-13 ng Nobyembre at ikinasawi ng 127 katao.

MGA BATA, NAG-AALAY DIN NG BULAKLAK.  Kasama ang kanyang ama, nag-alay ng bulaklak ang isang batang babae sa Bataclan Concert Hall sa Paris.  Kabilang siya sa mga Frances na nakikiramay sa mga napaslang. (Melo M. Acuna)

Kahapon, sa aking pagdalaw sa bantayog ng La Republique at sa Bataclan Concert Hall, ibayong lungkot ang mamamasdan sa mga mamamayang maydalang mga bulaklak, kandila at iba pang mga alaala na sinasabayan ng panalangin.

MAGTATAGAL ANG AMING PAGDADALAMHATI.  Ito ang sinabi ni Cecilia, isang 28 taong-gulang na nurse sa sang pagamutan sa Paris matapos mag-alay ng mga bulaklak, magsindi ng candela at mag-alas ng panalangin sa harp ng Bataclan Concert Hall sa Paris, pook ng madugong pananalakay ng mga terorista noong nakalipas na ika-13 ng Nobyembre.  (Melo M. Acuna)

Nakita ko ang isang pumpon ng bulaklak mula sa Pangulo ng Chile at mga kandila't bulaklak sa kahabaan ng lansangan at sa paligid ng bantayog.

Para kay Cecilia, isang 28 taong gulang na nurse sa isang pribadong ospital sa Paris, matatagalan pang mababaon sa limot ang magudong insidente sa kanilang lungsod.

Ito umano ang natural na reaksyon ng mga Pranses sapagkat karaniwang nagsasama-sama sa oras na pagdiriwang at pagdadalamhati. Para kay Cecilia, patuloy na magdadala ng mga bulaklak at magsisindi ng mga kandila ang mga Pranses kasabay ng panalanging huwag na'ng maulit pang muli ang naganap noong nakalipas na Nobyemre.

MAHABANG PUMPON NG MGA BULAKLAK, MAGTATAGAL PA.  Hindi mapigilan ang mga mamamayang Fraces ang pag-aalay ng mga alaala sa kanilang mga kababayang napaslang sa madugong insidente noong nakalipas na buwan.  (Melo M. Acuna)

Isa sa mga Filipinong naninirahan sa Paris ang may kaibigang nasawi sa Bataclan. Apat umanong magkakasama ang magkakaibigan noong maganap ang insidente. Tanging ang kanyang kaibigan ang natamaan ng punglo kaya't nasawi. Ang tatlong mga kaibigan ay nakaligtas pa sa pananalakay.

Sa iba't ibang bahagi ng Paris ay makikita ang kanilang security forces na nakahandang tumugon sa anumang insidenteng magaganap. Sa kanilang paliparan ay makikita ang mga kawal na may dalang high-powered firearms hanggang sa mga matataong pook.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>