Ayon sa Xinhua News Agency, inaprobahan kahapon ng Parliamento ng Myanmar ang pambansang kasunduan ng tigil-putukan na nilagdaan ng pamahalaan at walong (8) sandatahang lakas ng pambansang minoriya.
Noong ika-15 ng nagdaang Oktubre, nilagdaan sa Naypyidaw ang naturang kasunduan. Lumagda sa kasunduan sina Thein Sein, Pangulo ng Myanmar, Senior General Min Aung Hlaing, Commander in-Chief ng bansang ito, at mga lider ng nasabing 8 sandatahang lakas ng pambansang minoriya.
Ayon sa nasabing kasunduan, dapat balangkasin ng dalawang panig ang isang balangkas ng kasunduang pulitikal sa loob ng 60 araw, at dapat din nilang pasimulan ang diyalogong pulitikal sa loob ng darating na 90 araw.
Salin: Li Feng