Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagdating sa pagputol ng financing para sa mga terorista, kinakatigan ng Tsina ang ibayo pang pagpapalakas ng koordinasyon at kooperasyon ng komunidad ng daigdig. Kailangan din aniyang patingkarin ng United Nations Security Council ang konstruktibong papel nito sa nasabing isyu.
Dagdag pa ni Hua, sa kasalukuyan, ang paglaban sa terorismo ay komon at pangkagipitang hamong kinakaharap ng komunidad ng daigdig. Umaasa ang panig Tsino, na batay sa layon at mga prinsipyo ng UN Charter, magkakasamang tututulan at lalabanan ng iba't ibang panig, ang anumang porma ng terorismo.
Salin: Liu Kai