Ipinalabas kahapon ni Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN, ang artikulo sa pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore, kung saan inilahad ang paninindigan ng Tsina hinggil sa nukleong katayuan ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon.
Sinabi ni Xu sa artikulo, na ang nukleong katayuan ay prinsipyong iginigiit ng ASEAN sapul nang itatag ang organisasyong ito. Dagdag niya, ang pagbuo ng ASEAN Community ay makakabuti sa pagpapanatili ng nukleong katayuan ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon. Dahil aniya, sa ilalim ng ASEAN Community, patataasin ang lebel ng integrasyon ng mga bansang ASEAN sa pulitika, kabuhayan, at kulturang panlipunan, at palalakasin ang namumunong papel ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon.
Tinukoy ni Xu na, sa harap ng mga bagong isyu at hamon, para mapanatili ang nukleong katayuan ng ASEAN, ummasa ang Tsina na igigiit ng ASEAN ang kapayapaan at kaunlaran, maayos na hahawakan ang relasyon nito sa mga malaking bansa sa labas ng rehiyon, at isasakatuparan ang balanseng pag-unlad sa loob ng ASEAN.
Ipinahayag din ni Xu na laging kinakatigan ng Tsina ang namumunong papel ng ASEAN sa kooperasyon ng Silangang Asya, at itinuturing ang ASEAN na priyoridad sa diplomasya. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, na walang humpay na pasulungin ang kooperasyon sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai