Idinaos noong nagdaang linggo sa lalawigang Savannakhet, Timog ng Laos ang seremonya ng pagsisimula ng pagluluwas ng bigas ng Laos sa Tsina.
Ipinahayag ni Phet Phomphiphak, Ministro ng Agrikultura ng Laos, na ang pagluluwas ng Laos ng bigas sa Tsina ay nagpapakita ng relasyon ng "Mabuting Kapitbansa, Mabuting Kaibigan, Mabuting Komrad at Mabuting Partner" ng dalawang bansa. Sabi niyang kinakatigan ng kanyang ministri ang mas maraming pagluluwas ng bigas para mapataas ang kalidad ng produktong agrikultural ng Laos at madagdagan ang kita ng mga magsasaka ng bansa. Aniya pa, palalawakin ng Laos ang saklaw ng pagtatanim ng mga produktong agrikultural at isasagawa ang pagpoprodyus na rehiyonal. Umaasa aniya siyang malalagdaan pa ang mas maraming kasunduan ng malayang kalakalan sa Tsina para mailuwas ang mga produktong agrikultural na gaya ng prutas, gulay at iba pa.
Salin: Andrea