Punong Himpilan ng United Nations (UN), New York, ipinahayag dito, Lunes, Disyenbre 14, 2015 ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na ang pagkakaratipika ng Paris Climate Change Conference sa Kasunduan ng Paris ay makakapaghatid ng benepisyo sa buong sangkatauhan at mga susunod na henerasyon.
Tinukoy ni Ban na ito ang kauna-unahang pagkakataong magkakasamang nangako ang iba't ibang bansa na kontrolin ang pagbuga ng usog, palakasin ang kakayahan para harapin ang pagbabago ng klima, at isagawa ang mga hakbangin sa loob ng kanilang bansa at sa buong daigdig. Ang pagdating ng Paris (Climate Change) Agreement ay nagpapakitang natukoy na ng iba't ibang bansa ang paraan ng paglaban pagbabago ng klima, sa pamamagitan ng kooperasyong pandaigdig.
Halos 200 signataryo ng UN Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) ang kalahok sa Paris Climate Change Conference, at narating nila ang Paris Agreement noong ika-12 ng buwang ito. Binabalak na isagawa ang mga aksyon pagkaraan ng taong 2020 para kaharapin ang pagbabago ng klima ng daigdig.
salin:wle