Sa news briefing na idinaos kahapon sa Paris, sinabi ni Xie Zhenhua, Espesyal na Kinatawan ng Tsina hinggil sa Pagbabago ng Klima, na dapat ilakip sa kasunduan ng Paris Climate Change Conference ang isang mekanismo ng regular na pagtasa sa mga aksyon ng iba't ibang bansa ng paglaban sa pagbabago ng klima.
Sa ngalan ng BASIC Countries, grupong binubuo ng Brazil, South Africa, India, at Tsina, iniharap ni Xie ang naturang mungkahi. Aniya, puwedeng isagawa ang pagtasa bawat limang taon, at ang mga bagay na tatasahan ay dapat kinabibilangan ng aksyon ng pagbabawas ng emisyon ng greenhouse gas, aksyon ng paglaban sa pagbabago ng klima, pagkakaloob ng pondo at teknolohiya sa mga umuunlad na bansa, at iba pa. Dagdag pa ni Xie, ang pagtasa ay hindi para sa pagparusa, kundi para sa pagpapasigla sa mga may kinalamang aksyon ng iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai