Pinagtibay kagabi sa Paris Climate Change Conference ang kasunduan hinggil sa pagbabago ng klima.
May 29 na artikulo ang kasunduan. Kabilang dito, itinakda ang target na kontrulin sa 2 degrees Celsius ang pagtaas ng karaniwang temperatura ng daigdig, at magsikap para kontrulin ang bilang na ito sa 1.5 degrees Celsius.
Ayon pa rin sa kasunduan, sa pamamagitan ng Intended Nationally Determined Contributions, lalahok ang iba't ibang panig sa pandaigdig na aksyon laban sa pagbabago ng klima. Dapat patuloy na manguna ang mga maunlad na bansa sa pagbabawas ng emisyon ng greenhouse gas, at magkaloob ng pondo at teknolohiya sa mga umuunlad na bansa. Anito pa, simula taong 2023, isasagawa bawat limang taon ang pagtasa sa pangkalahatang kalagayan ng pandaigdig na aksyon laban sa pagbabago ng klima.
Pagkaraang pagtibayin ang kasunduan, nagpahayag ng pagtanggap ang iba't ibang kalahok na panig. Nanawagan din sila para sa pagpapatupad nito.
Salin: Liu Kai