Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino at Pranses, sang-ayong pasulungin ang pagpapatupad sa bagong kasunduang pandaigdig sa klima

(GMT+08:00) 2015-12-15 12:26:18       CRI

Sa kanilang pag-uusap sa telepono nitong Lunes, ika-14 ng Disyembre, 2015, sumang-ayon sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong François Hollande ng Pransya na magkasamang magsikap para mapasulong ang epektibong pagpapatupad sa bagong kasunduang pandaigdig bilang tugon sa pagbabago ng klima.

Noong ika-12 ng Disyembre, 2015, pagkaraan ng halos dalawang linggong pag-uusap, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng lahat ng 196 na miyembro ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) ang makasaysayang kasunduan sa pagbabago ng klima sa katatapos na Ika-21 Sesyon ng Conference of the Parties (COP21) na ginanap sa Paris, Pransya. Binalangkas ng kasunduan ang mga kailangang gawing kooperasyon ng iba't ibang panig bilang tugon sa pagbabago ng klima ng daigdig, pagkaraan ng 2020.

Kapuwa ipinahayag din ng dalawang pangulo na naaangkop sa komong interes ng daigdig ang nasabing kasunduan. Anila pa, ang tagumpay ng katatapos na COP21 ay muling nagpakita na maaaring lutasin ng komunidad ng daigdig ang mga pangunahing isyung pandaigdig sa pamamagitan ng diyalogo.

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Pransya. Sumang-ayon silang ang nasabing kasunduan ay makakalikha rin ng pagkakataon para mapalalim ang pagtutulungan ang dalawang bansa sa mga larangan ng green growth at civilian nuclear power.

Sina Pangulong Xi (kaliwa) at Pangulong Hollande (kanan) sa Paris, Pransya bago lumahok sa COP21. Larawang kinunan noong Nov. 29, 2015. (File Photo: Xinhua)

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>