Sa katatapos na ika-14 na Prime Ministers' Meeting ng Shanghai Cooperation Organization(SCO) na idinaos sa Zhengzhou, kabisera ng lalawigang Henan, Tsina, ipinahayag kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na palalakasin ng mga bansang kasapi sa SCO ang pagtutulungan sa mga tradisyonal na larangang kinabibilangan ng seguridad, kabuhayan at humanidad, batay sa pagtatatag ng anim na platapormang pangkooperasyon nito.
Ang anim na plataporma ay kinabibilangan ng pagtutulungang panseguridad; pagpapataas ng produktibong lakas para sa win-win situation; pagpapabilis ng pagtutulungan sa konektibidad sa pamamatigan ng pagtatatag ng lansangan at daambakal; pagpapasulong ng inobasyong pinansyal; pagpapasulong ng kooperasyong pangkalakalan ng rehiyon; at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng teknolohiyang agrikultural at pangangalaga sa kaligtasan ng pagkain-butil.