Ngayong araw, ika-17 ng Disyembre, ay ang unang anibersaryo ng pagpapatalastas ng muling pagsisimula ng proseso ng normalisasyon ng relasyon ng Amerika at Cuba. Kaugnay nito, ipinahayag kagabi ng mga opisyal ng Amerika at Cuba na pagkatapos ng ilang buwang talastasan, nagkaroon ng komong palagay ang kapuwa panig hinggil sa pagpapanumbalik ng commercial direct flight sa pagitan ng dalawang bansa. Ito ay isa pang magandang balita tungo sa landas ng normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa, pagkaraang sang-ayunan nila ang pagsisimula ng pilot project ng direct mail noong isang linggo.
Salin: Vera