|
||||||||
|
||
Naglakbay-suri kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa idinaraos na "Light of Internet" Expo sa bayang Wuzhen ng probinsyang Zhejiang, Tsina.
Tinukoy ni Xi na ang paglitaw ng Internet ay nakapagbigay ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao. Maraming pagkakataon para sa inobasyon ang inihatid din nito sa mga kompanya, kaya, dapat aniya lubos katigan ng mga kompanya ang pagsasagawa ng inobasyon sa teknik, serbisyo, pormang komesyal at samatalahin ang mga pagkakataong dulot ng Internet para mapasulong ng buong bansa ang malikhaing puwersa.
Ang "Light of Internet" Expo ay bagong lahok sa Ika-2 World Internet Conference. Mga 260 kompanya mula sa iba't ibang rehiyon ng daigdig ang lumahok sa Expo. Idinaos din ang mahigit 80 preskon upang ipakita ang mga pinakamaunlad na teknik at bunga ng pananaliksik.
Baidu: Motor na hindi kailangan ng tsuper
Alibaba: Cloud computing na puwedeng gamitin sa pag-a-analisa ng DNA
IBM: Proyektong puwedeng mag-forcast ng polusyon
Beidou: GPS system na accurate kahit sa lapit na 0.8 metro
SAP: Software na makakatulong sa pagiging kampeon ng football team
Suning: Visul trying-on system
Qihu: Robort na puwedeng makipag-chat sa inyo
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |