Sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang, Tsina-Binuksan dito ngayong araw, Miyerkules, Disyembre 16, 2015 ang 2nd World Internet Conference. Magpapalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa magkasamang pagpapasulong at pangangasiwa sa Internet.
Ayon sa Xinhua News Agency, sa pinahigpit na konektibidad ng internet at pinalawak na pagtutulungan para sa win-win situation, ang pagdaraos ng kasalukuyang kumperensiya ay nagpapakita ng mithiin at responsibilidad ng Tsina sa pagpapasulong at pangangasiwa sa Internet, kasama ng komunidad ng daigdig. Ito ay makakatulong hindi lamang sa pagtatatag ng multilateral, maliwanag at demokratikong sistema sa pangangasiwa ng Internet, kundi maging sa pagbuo ng bukas, ligtas at pangkooperasyong cyber space, ayon pa sa Xinhua.