Noong madaling araw, Disyembre 10, 2015, isang B-52 bomber ng tropang Amerikano ang pumasok sa teritoryong panghimpapawid ng Tsina sa Nansha Islands.
Kaugnay nito, sinabi ng Departamento ng Impormasyon ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina na binalaan ng tropang Tsino na nakatalaga sa Nansha ang nasabing eroplanong militar ng Amerika at pinaalis ito.
Idinagdag pa ng nasabing departamento na ang ganitong operasyon ng tropang Amerikano ay nagsilbing banta sa kaligtasan ng mga tauhang Tsino na nakatalaga sa mga isla at nagdulot din ito ng panganib sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon. Ipinagdiinan nitong ang ganitong aksyon ng tropang Amerikano ay makakapagpasalimuot ng kalagayan sa South China Sea. Hiniling anito ng panig Tsino sa tropang Amerikano na itigil ang mapanganib na aksyong ito.
Anito pa, gagawin ng hukbong Tsino ang lahat ng magagawa para buong-tatag na pangalagaan ang soberanya at katatagan ng bansa, at ang kapayapaan ng rehiyon.