Ayon sa ulat mula sa Mission of the People's Republic of China sa ASEAN, idinaos sa Bintan Island, Indonesia noong Sabado, Disyembre 19, 2015, ang foundation laying ceremony ng Nanyang ASEAN University. Dumalo rito sina Shen Demin, Presidente ng Preliminaryong Pulong ng Nanyang ASEAN University; Bambang Suryono, Presidente ng Jakarta-based Nanyang ASEAN Foundation; at mahigit 100 personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng Indonesia at Singapore. Dumalo at bumigkas din ng talumpati sa naturang seremonya si Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN.
Ipinahayag ni Xu na may napakahalagang papel ang pagpapalitan at pagtutulungang pang-edukasyon para sa pagpapalakas ng pagu-unawaan, at pagkakaibigan sa hene-henerasyon ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang pagpapalitang pang-edukasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at natamo ang kapansin-pansing bunga.
Idinagdag pa niya na ang susunod na taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relations ng Tsina at ASEAN, at ito rin ay Taon ng Pagpapalitan ng Edukasyon ng Tsina at ASEAN. Nananalig aniya siyang ito ay makakapagpasulong sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa larangan ng edukasyon.
Salin: Li Feng