Binuksan kahapon ng hapon sa Tsina ang Ika-7 Linggo ng Pagpapalitan sa Edukasyon ng Tsina at ASEAN. Ang tema sa taong ito ay "Kooperasyon ng mga magkakapitbansa, makapaghahatid ng benepisyo sa mga mamamayan."
Bukod sa mga regular na aktibidad na gaya ng porum ng mga opisyal ng mga paaralan at pagtatanghal ng mga bunga ng edukasyon, idinaos sa kauna-unahang pagkakataon ang mga aktibidad na gaya ng pagpapalitan ng mga mataas na opisiyal, diyalogo ng mga patakaran hinggil sa kooperasyon ng edukasyon, dictation contest ng mga estudyante mula ASEAN sa Tsina at iba pa. At idaraos ang nasabing mga aktibidad sa Guiyang, Zunyi at iba pang lugar ng Lalawigang Guizhou ng Tsina.
salin:wle