|
||||||||
|
||
INATASAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Armed Forces of the Philippines na tiyaking payapa at matagumpay ang idaraos na halalan sa Mayo ng 2016.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng pagkakatatag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sinabi ng pangulo na malaki ang inaasahan ng mga mamamayan at malinaw ang kautusang manatiling walang pinapanigan kungdi ang taongbayan.
Si Pangulong Aquino na siyang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines ang naging panauhing tagapagsalita sa anibersaryo ng AFP na idinaos sa Clark Air Base sa Pampanga.
Ito rin ang kanyang huling pagkakataong makadalo sa anibersaryo ng AFP bilang commander-in-chief at punong tagapagpaganap. Bababa siya sa tungkulin sa huling araw ng Hunyo 2016.
Inulit ng pangulo ang 45 mga proyektong naipatupad ng tatlong sunod na pamahalaan na nagkakahalaga ng P31.75 bilyon. Sa ilalim ng kanyang liderato, nakapagpatupad sila ng 65 proyekto na nagkakahalaga ng P 56.79 bilyon.
Iba pa ito sa P83.9 bilyong Medium Term Capability Development na magtatagal ng hanggang sa taong 2017.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |