Dahil sa pagbuti ng kabuhayan ng Pilipinas at buong daigdig, tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na aabot sa 6.3 bilyong dolyares ang halaga ng Foreign Direct Investment (FDI) sa bansa sa taong 2016. Ito ay dahil sa sustenable at positibong pag-unlad ng kabuhayang panloob ng Pilipinas, pagbuti ng kabuhayang pandaigdig, at pagsasagawa ng mga publiko at pribadong proyektong pangkooperasyon, anang BSP.
Ayon sa naunang ulat ng BSP, mula noong Enero hanggang Setyembre, umabot sa mahigit 4.5 bilyong dolyares ang halaga ng FDI. Ipinalalagay ng BSP na ang malaking pagtaas ng FDI ay nagpapakita ng kompiyansa ng mga mamuhunan sa kabuhayang Pilipino.
Salin: Li Feng