|
||||||||
|
||
Ginanap kamakailan sa Beijing ang Pandaigdigang Simposyum tungkol sa "21st Century Maritime Silk Road." Ang tatlong tema ng nasabing simposyum ay kinabibilangan ng relasyong Sino-ASEAN at konstruksyon ng Silk Road; upgraded version ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) at kooperasyon sa kakayahan ng produksyon sa rehiyong ito; at pag-uugnayan ng mga mamamayan at pagpapalitang panlipunan at pangkultura sa proseso ng konstruksyon ng Silk Road.
Tungkol sa pagpapalalim ng kooperasyong Sino-ASEAN, iniharap ni Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina, ang limang (5) mungkahi na kinabibilangan ng pagpapasulong ng konektibidad; pagpapataas ng lebel ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan; pagpapabuti ng pag-uugnayan ng estratehiya ng pag-unlad; magkakasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea; at pagpapalakas ng kooperasyon sa pagpapalitang pangkultura at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal.
Pagkaraan ng isang araw na pagpapalitan, narating ng mga kalahok ang ilang komong palagay hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road. Una, ang kooperasyon ay di-maiiwasang pagpili para sa pagsasakatuparan ng pag-unlad ng iba't-ibang bansa, at ang magkakasamang pagtatatag ng maritime silk road ay isang mahalagang hakbangin para sa pagpapahigpit ng kooperasyon; Ikalawa, ang konektibidad at kooperasyon sa kakayahan ng produksyon ay dalawang pokus ng magkakasamang pagtatatag ng maritime silk road; Ikatlo, ang pag-uugnayan ng mga puso ng mga mamamayan ay pundasyong panlipunan sa pagtatatag ng maritime silk road; Ikaapat, dapat mainam na pag-isahin ang pagsasagawa ng dokumentong "ASEAN 2025: Forging Ahead Together" at "Belt and Road Initiative," at dapat ding pasulungin nang sabay ang naturang dalawang dokumento; Ikalima, dapat patingkarin ang bisa ng mga maagang proyekto ng dalawang panig para mapataas ang positibidad ng kooperasyon ng iba't-ibang may kinalamang panig; Ikaanim, batid ng iba't-ibang panig ang mga kahirapan at hadlang sa proseso ng pagtatatag ng maritime silk road, at dapat magsikap ang dalawang panig para hanapin ang kalutasan.
Dumalo sa nasabing simposyum ang mahigit 150 personaheng kinabibilangan ng mga diplomata ng Tsina, mga diplomata ng mga bansang ASEAN sa Tsina, mga dalubhasa, iskolar at mangangalakal mula sa dalawang panig. Ang naturang simposyum ay magkasamang itinaguyod ng China Foundation of International Studies at China-ASEAN Business Council (CABC).
Kabilang sa mga diplomata ng ASEAN sa Tsina ay sina Erlinda Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina; Loh Ka Leung, Embahador ng Singapore sa Tsina; Thit Linnohn, Embahador ng Myanmar sa Tsina; Dang Minh Khoi, Embahador ng Biyetnam sa Tsina; at iba pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |