Beijing, Tsina—Idinaos dito ngayong araw, Lunes, Disyembre 21, 2015 ang Pandaigdigang Simposyum hinggil sa 21st Century Maritime Silk Road, na magkasamang itinaguyod ng China Foundation for International Studies (CFIS) at China-ASEAN Business Council (CABS). Malalimang tinalakay ng mga kalahok ang mga paksang gaya ng relasyon ng Tsina at ASEAN at konstruksyon ng silk road, upgraded version ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), kooperasyong rehiyonal sa production capacity, pag-uugnayan ng mga mamamayan, pagpapalitang panlipunan at pangkultura sa proseso ng konstruksyon ng silk road, at iba pa.
Dumalo sa simposyum ang halos 120 personahe na gaya nina Embahador Erlinda Basilio ng Pilipinas, Embahador Loh Ka Leung ng Singapore, Embahador Thit Linnohn ng Myanmar, mga opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina, mga dating embahador ng Tsina sa mga kinauukulang bansang ASEAN, kilalang dalubhasa, mga lider ng sirkulong komersyal ng mga bansang ASEAN, mga lider ng mga pambansang samahang industriyal at komersyal ng Tsina, mga kinatawan ng mga bahay-kalakal, at mga kinatawan ng mga media ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera