Ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Rusya na ang pagpapalawak ng ng Amerika ng sangsyon sa Rusya ay pagpapasidhi ng komprontasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ipinatalastas kamakalawa ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na inilakip sa listahan ng sangsyon ang 11 sibilyang Ruso at 15 legal person ng bansang ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ng panig Ruso na ang patuloy na pagdaragdag ng Amerika ng sangsyon sa mga mamamayan at bahay-kalakal ng Rusya ay nagpapakita ng paggigiit ng Amerika sa paninindigan ng komprontasyon.
Nauna rito, ilang beses na isinagawa ng Amerika ang mga sangsyon sa Rusya dahil sa isyu ng Ukraine.