DUMULOG si Senador Grace Poe sa Korte Suprema kanina na baliktarin ang desisyon ng Commission on Elections na nagkansela ng kanyang certificate of candidacy. Nanindigan ang mambabatas na nararapat siyang payagang tumakbo sa panguluhan sa darating na Mayo 2016.
Ayon kay Atty. George Garcia, abogado ni Senador Poe, naghain sila ng dalawang petisyon na nagtatanong sa desisyon ng Comelec en banc na kapwa sumang-ayon sa desisyon ng First at Second Divisions.
Kinansela ng Comelec First Division ang Certificate of Candidacy sa kahilingan ni dating Senador Francisco Tatad, Antonio Contreras at Amado Valdez.