Ipinatalastas ngayong araw, Miyerkules, ika-30 ng Disyembre, ni Cesar Purisima, Kalihim ng Pananalapi ng Pilipinas, na lalagda ang kanyang bansa sa kasunduan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), bago ang December 31 deadline.
Lalagda sa kasunduang ito ang kinatawang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III, na si Secretary Cesar Purisima, o si Ambassador Erlinda F. Basilio, kung si Purisima ay di makakadalo.
Batay sa mungkahi ng Tsina at sa pagtataguyod ng 57 bansa, pormal na naitatag ang AIIB noong ika-25 ng buwang ito.
Salin: Liu Kai