Nang kapanayamin kahapon sa London ng Financial Times, sinabi ni Jin Liqun, nahalal na presidente ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), na patatakbuin ang AIIB sa pamamagitan ng pinakamabuting pandaigdig na panuntunan. Samantala aniya, hindi ito nangangahulugang susunod ito sa panuntunang kanluranin.
Binigyang-diin ni Jin na bubuuin ang naturang pinakamabuting pandaigdig na panuntunan batay sa karanasan ng iba't ibang bansa, na kinabibilangan ng mga maunlad na bansa at umuunlad na bansa.
Dagdag ni Jin, itatatag sa AIIB ang isang discipline inspection department, para pigilin ang anumang korupsyon sa organong ito. Aniya, magiging puno ng departamentong ito ang isang dayuhan.
Isinalaysay din ni Jin na tinatayang pormal na tatakbo ang AIIB sa katapusan ng taong ito, at sisimulang ipalabas ang mga pautang sa ikalawang kuwarter ng susunod na taon.
Salin: Liu Kai