Ayon sa China Radio International (CRI), noong unang dako ng taong 2013, nanungkulan si Dmitry Mezentsev bilang Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), at tatlong (3) taon ang kanyang termino. Sa bisperas ng pag-alis ng kanyang tungkulin, tinanggap ni Dmitry Mezentsev ang exclusive interview ng CRI. Sa panayam, nilagom ni Mezentsev ang iba't-ibang gawain sa kanyang termino. Ipinahayag din niya na pagkaraang umalis sa kanyang tungkulin, patuloy niyang pasusulungin ang relasyong Ruso-Sino.
Idinagdag pa niya na sapul nang maitatag ang SCO hanggang sa ngayon, 14 na taon na ang nakalipas. Sa panahong ito, walang humpay na tinutupad ng SCO ang "Diwa ng Shanghai," at walang humpay na lumalakas ang pagtitiwalaan at pagtutulungan sa pagitan ng iba't-ibang kasapi ng organisasyong ito, at unti-unting tumataas ang impluwensiyang pandaigdig nito.
Salin: Li Feng