Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing, Martes, Disyembre 29, 2015 kay Dmitry Mezentsev, Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization(SCO), ipinahayag ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina ang mataas na paghanga sa kanyang pagsisikap para sa pag-unlad ng SCO at pagtutulungan ng mga kasaping bansa sa ibat-ibang larangan. Aniya, inaasahang ilalagay ni Mezentsev ang puwersa at ambag para sa pag-unlad ng SCO.
Pinasalamatan naman ni Mezentsev ang tulong mula sa Tsina. Nananalig aniya siyang matatamo ng SCO ang mas malaking tagumpay sa hinaharap.
Magtatapos ang kanyang 3 taong-tungkulin sa SCO, sa malapit na hinaharap.