Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono ngayong araw kay Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng komunidad ng daigdig, matagumpay na pinagtibay sa Pulong ng UN hinggil sa Pagbabago ng Klima sa Paris ang "Kasunduan ng Paris." Ito aniya ay nakapagbigay ng direksyon at target para sa pagharap ng buong daigdig sa isyu ng pagbabago ng klima pagkatapos ng 2020. Napapanatili ng Tsina, Estados Unidos, at iba't-ibang may-kinalamang panig ang mahigpit na pagkokoordinahan para makapagbigay ng positibong ambag para sa tagumpay ng nasabing pulong, dagdag ni Xi.
Ipinahayag Pangulong Tsino ang kahandaang panatilihin ang pakikipagkoordinahan at pakikipagtulungan sa panig Amerikano tungkol sa mga mahalagang isyung panrehiyon.
Ipinahayag naman ni Pangulong Barack Obama ang kahandaang magsikap kasama ng panig Tsino at iba't-ibang panig para maigarantiya ang pagkakabisa at pagsasakatuparan ng naturang kasunduan.
Salin: Li Feng