Pormal na naisaoperasyon nitong Miyerkules, Disyembre 30, 2015 ang "single window" customs clearance online platform ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina. Naglalayon itong magkaloob ng ginhawa para sa kalakalang pandaigdag.
Ang naturang plataporma ay magkakasamang itinatag ng adwana, departamento ng quality inspection and quarantine, organong panseguridad sa hanggahan, at departamento ng mga suliraning pandagat. Ito ang unang rehiyonal na plataporma ng serbisyong pampubliko ng customs clearance ng Tsina para palingkuran ang mga trade partner ng ASEAN.
Ang customs clearance online platform ng Guangxi ay itinayo batay sa modelo ng Shanghai International Trade Single Window. Narito po ang link nito: http://www.singlewindow.sh.cn/winxportal/
Salin: Vera