|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng kauna-unahang inspeksyon ang CMFA at mga partner ng Tsina at Myanmar sa mga nayong nakikinabang sa nasabing proyekto na pinasinayaan noong nagdaang taon. Ang layunin nito ay para mapuna ang posibleng problema at mapabuti ang proyekto.
Sinusuri ng mga inhinyero ang solar-powered na pambomba.
Dahil sa solar-powered water supply facilities na inabuloy ng CMFA, maaari nang kumuha ng tubig sa pamamagitan ng bomba ang mga residenteng lokal mula sa ilog o pond na malapit sa nayon. Bukod dito, hindi rin kailangang isabalikat ng mga taga-nayon ang mga gastos sa panggatong at gastos sa maintenance.
Mga taga-nayon ng Kaingmagyi, kasama ng mga tagapag-inspeksyon. Ang Kaingmagyi ay isa sa mga nayong ininspeksyon ng CMFA at iba pa sa Mandalay at Magway, dalawang rehiyon sa dakong sentral ng Myanmar.
Bahay na pamprotekta sa pambomba na itinayo ng mga residenteng lokal
Isang taga-nayon habang nagrereserba ng tubig na isinusuplay sa bahay, sa pamamagitan ng solar-powered water supply facilities na itinaguyod ng CMFA.
Solar-powered water supply facility na nakalagay sa ilog malayo sa nayon. Ito ay nagpapaginhawa sa pagkuha ng tubig maiinom at pang-irigasyon ng mga mamamayang lokal ng Myanmar sa tagtuyo.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |