Ipinahayag kamakailan ng mga dalubhasang Tsino't dayuhan na ang katatatag na ASEAN Community ay magdudulot ng "ginintuang pagkakataon" sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Timog-silangang Asya. Kung gagawa ang iba't ibang bansang ASEAN ng ibayo pang pagsisikap sa aspektong gaya ng pagpawi ng mga hadlang sa kalakalan, pagpapababa ng taripa at iba pa, mapapabilis ng mga bahay-kalakal Tsino ang pagpapalawak ng kani-kanilang negosyo, aniya pa.
Samantala, sinabi ni Li Guixiong, Pangalawang Tagapangulo ng Thai-Chinese Chamber of Commerce, na ang pagkakatatag ng ASEAN Community ay makakapagpasulong sa mabisang pagsasanggunian sa loob ng ASEAN sa mga aspektong gaya ng taripa, pagpawi ng hadlang sa kalakalan at iba pa. Makakatulong din aniya ito sa pagpapababa ng mga transnasyonal na bahay-kalakal ng kapital sa produksyon, at makakapaghatid ng pagkakataong pangkaunlaran sa kanila.
Ipinalalagay naman ni Lu Jianren, Punong Mananaliksik ng China-ASEAN Research Institute ng Guangxi University ng Tsina, na ang pagkakatatag ng ASEAN Community ay makakatulong sa pagkakaloob ng mas maginhawang kapaligiran para sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ASEAN.
Salin: Vera