Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-31 ng Disyembre, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mainit na pagtanggap ng kanyang bansa sa pagtatatag ng ASEAN Community.
Sinabi ni Lu na ang ASEAN Community ay kauna-unahang subrehiyonal na komunidad sa Asya. Ito aniya ay naging muhon sa integrasyon ng ASEAN, at palatandaan ding tumaas sa bagong antas ang kooperasyon ng Silangang Asya.
Sinabi rin ni Lu na ang taong 2016 ay ika-25 anibersaryo ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN. Patuloy aniyang kakatigan ng Tsina ang integrasyon ng ASEAN, pagsulong ng ASEAN Community, at namumunong papel ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon. Dagdag niya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang ASEAN, para palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, kultura, at iba pang aspekto, at itatag ang mas mahigpit na komunidad ng komong kapalaran ng Tsina at ASEAN.
Salin: Liu Kai