Ipinahayag kahapon, Enero 4, 2016, ni Zhang Qi, Kalihim ng Lupong Panlunsod ng CPC sa Sanya, Lalawigang Hainan, Tsina, na kasalukuyang itinatayo ang bagong paliparan sa nasabing kalunsuran. Ito aniya ay para maitatag ang pandaigdigang sentrong panghimpapawid, sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa Timog-silangang Asya.
Ayon sa ulat, nagbukas na ang mga linyang panghimpapawid sa pagitan ng Sanya at kalunsuran sa mga bansang ASEAN, kabilang dito ang Kuala Lumpur ng Malaysia, Phuket at Bangkok ng Thailand, at iba pa.
Sa taong 2016, nakatakdang magbukas din ang mga linya patungo sa Ho Chi Minh ng Biyetnam, Luang Prabang ng Laos, Siem Ream ng Thailand, at iba pa.