Kinumpirma kahapon, Martes, ika-5 ng Enero, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na noong ika-3 ng buwang ito, nasugatan ang isang Tsino sa pagsabog ng landmine sa loob ng Tsina sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar.
Ayon kay Hua, nagharap na ang Tsina ng representasyon sa Myanmar, kaugnay ng pangyayaring ito. Hinihiling aniya ng Tsina sa Myanmar na isagawa ang mga mabisang hakbangin, para hindi maulit ang ganitong pangyayari, iwasan ang epekto sa mga mamamayang Tsino na dulot ng sagupaan sa hilagang Myanmar, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai