Binabalak ng Ministri ng Komersyo ng Thailand na hikayatin ang mga pribadong bahay-kalakal ng bansa na galugarin ang pamilihan ng Timog Asya na may populasyong 1.6 na bilyon. Para rito, pasisinayaan nito ang "Linggo ng Thailand" sa mga pangunahing lunsod sa Timog Asya kung saan priyoridad ang India at Bangladesh.
Ayon sa pansamantalang balak, ilulunsad ng nasabing ministring Thai ang apat na "Linggo ng Thailand": isa sa Bangladesh na gaganapin sa Marso, 2016 at tatlo sa India na gaganapin sa Marso, Abril at Agosto ayon sa pagkakasunod.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio