Pormal nang naisaoperasyon kamakailan ang serbisyo ng shuttle train sa pagitan ng Hat Yai, pinakamalaking lunsod ng Lalawigang Songkhla ng Thailand, at Padang Besar, isang maliit na nayon ng Malaysia, sa purok-hanggahan ng dalawang bansa.
Ayon sa salaysay, ang naturang linya na magkasamang pinatatakbo ng Thailand at Malaysia ay nagkakaloob ng ginhawa sa transportasyon ng mga mamamayang lokal at dayuhang turista sa purok-hanggahan. Samantala, nagkakaloob din ito ng pagkatig sa pag-unlad ng ASEAN Economic Community sa hinaharap.
Ayon sa ulat, halos 60 kilometro ang kabuuang haba ng linyang ito, at 80 baht (o mga 2.2 dolyares) ang presyo ng tiket.
Salin: Vera