|
||||||||
|
||
Seremonya ng pagsisimula ng proyekto
Idinaos kahapon sa Ayuthaya, Thailand, ang seremonya ng pagsisimula ng kooperatibong proyekto sa daambakal ng Tsina at Thailand.
Mga makinang naitatanghal sa seremonya
Sa kani-kanilang mensaheng pambati sa seremonya, ipinahayag nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand, na ito ay isang malaking pangyayari sa relasyon at kooperasyon ng Tsina at Thailand. Ito rin anila ay angkop sa komong interes ng dalawang bansa, at mahalaga para sa connectivity ng rehiyong ito.
Pagkuha ng larawan sa harapan ng modelo ng tren
Mga introduksyon hinggil sa proyekto
Ayon sa proyektong ito, sa pamamagitan ng direktang kooperasyon ng mga pamahalaan ng Tsina at Thailand, lalahok ang panig Tsino sa pamumuhunan at pagtatayo ng isang 864-kilometrong daambakal, simula sa Lalawigang Nong Khai, dadaan ng Bangkok, at patungo sa Lalawigang Rayong ng Thailand. Malaking pasusulungin ng daambakal na ito ang kabuhayan at industriya ng Thailand, at ito rin ay mahalagang bahagi ng Trans-Asian Railway, isang railway network sa Timog-silangang Asya.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |