Sinimulan nang isaoperasyon ang Ampang Light Rail ng Malaysia, unang ganitong proyekto na niyari ng Zhuzhou Electric Locomotive Co Ltd. (ZELC), sangay ng China Railway Rolling Stock Corp (CRRC) sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang Ampang Line ay isa sa tatlong linya sa Kuala Lumpur Rail Transit System. Ang ibang dalawang linya ay Kelana Jaya Line at KL Monorail.
Tatlong sangay ang naitatag ng CRRC ZELC sa Malaysia at sa kabuuang mahigit 300 empleyado, 90% ay taga-Malaysia.
Ang mga pasahero habang naghihintay ng tren sa Chan Sow Lin Station, transit platform ng Ampang Line. (Photo credit: China Daily)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio