Ayon sa Fars News Agency ng Iran noong Lunes, Enero 11, 2016, inalis na ng Iran ang Arak heavy water reactor core block. Ito ay palatandaang sinimulang baguhin ng Iran ang Arak heavy water reactor. Itinuturing din ito bilang isang mahalagang hakbang ng pagtupad ng Iran sa komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng bansang ito.
Sinabi nang araw ring iyon ng isang tagapagsalita ng organisasyon ng enerhiyang atomiko ng Iran, na maagang natupad ng kanyang bansa ang ginawang pangako nito sa nasabing kasunduan.
Kapwang binigyan kamakailan nina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, at Frederica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) na namamahala sa diplomasya at patakarang panseguridad, ng papuri ang pagsasakatuparan ng Iran ng naturang kasunduan. Nag-bigay din sila ng sinyales na aalisin ang sangsyon laban sa Iran sa malapit na hinaharap.
Salin: Li Feng