Hinimok kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang Kongreso na pagtibayin ang komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Ipinahayag niya na ang kasunduang ito ay pinakamabuting paraan para pigilin ang nuclear arms race at mas maraming digmaan sa rehiyong Gitnang Silangan.
Sa isang news briefing na idinaos nang araw ring iyon sa White House, sinabi ni Obama na ang pagpapatibay ng nasabing kasunduan ay pinakamabuting paraan para maigarantiya ang di-makakagawa ang Iran ng sandatang nuklear. Kung hindi, mapipilitang simulan ng iba pang bansa sa Gitnang Silangan ang kani-kanilang plano ng sandatang nuklear.
Nagbabala si Obama na bebetuhin niya ang anumang mosyong magtatangkang pigilan ang pagsasakatuparan ng nasabing kasunduan.
Salin: Li Feng